Sa wakas ay may nangahas na sambitin ang aking ngalan sa kanyang pahina sa malawak na sapot pandaigdig. Maraming salamat kay Doktora Tess Termulo at Ginoong Alex Maximo sa kanilang paanyaya.
Ang lahing Pilipino ay napatanyag na sa buong mundo dahil sa angking katangian ng mga mamamayang nagmula sa Pilipinas. Sa tulong ng tiyaga at natural na talento, naabot ng mga Pilipino ang tugatog ng tagumpay sa iba’t ibang larangan sa sining, palakasan at pulitika. Sa kasamaang palad, hindi na masyadong maningning ang bansang Pilipinas sa paningin ng mundo. Sa kabila nito, dapat parin nating ipagpunyagi ang ating sariling bayan at ipagmalaki ng taas noo na tayo’y mga Pilipino.
Upang masmaayos maipabatid sa masnakakarami ang pangangailangan na ipagmalaki ang ating kasaysayan bilang mga mamamayan ng ating bansa, maglilista ako ng tatlong dahilan kung bakit ko nasasabi na ako’y taas noo sa pagiging Pilipino. Hindi ako susunod sa panuto sapagkat magbibigay ako ng limang rason kung bakit ko ipinagmamalaki ang aking pagka-Pilipino.
Ang bandang Asin.
Ang Bayan Kong Sinilangan (Timog Cotabato)
Sa awiting ito, ipinahayag nina Lolita Carbon, Pendong Aban at ang yumaong si Saro Bañares ang kanilang pagtuligsa sa kultura ng karahasan sa kanilang probinsya ng Timog Cotabato. Sa pamamagitan ng musika, naipabatid nila sa maraming tao na hindi ang pagkakaiba sa relihiyon ang dahilan ng kaguluhan kungdi ang kawalan pang-unawa sa kapwa tao.
Masdan Mo Ang Kapaligiran
Ang angking kagandahan ng Pilipinas ay hindi maikakaila ng sino man. Sagana ang Pilipinas sa mga yamang lupa at dagat na makikita sa pitong libo’t pitong daan isang daan at pitong mga isla nito. Muli, sa pamamagitan ng isang awit ay ipinakita ng bandang Asin ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.
Usok
Ang Pilipino ay marunong magsaya ngunit kadalasan naman ay may disiplina sa sarili upang isaayos ang sarili nyang buhay. Sa awiting Usok, ipinakita ng Asin ang kanilang posisyon sa mga usapin ukol sa ipinagbabawal na gamot at pagsasawalang bahala sa mga oportunidad sa buhay.
Itanong Mo Sa Mga Bata
May kapasidad ang mga Pilipino na mag-isip ng malalim. Sa awiting ito, naipapakita ang pagiging responsable at pala-isip ng mga Pilipino sa mga eksistensyal na mga isyu na maaaring bumagabag sa isipan ng mga tumatanda ng mga Pilipino. Diba nga ba’t hawak ng mga bata ang mga sagot sa mga tanong ng mga matatanda?
Himig Ng Pag-ibig
Masasabi ko ng walang pag aalinlangan na ito ang pinakamaganda at pinakamadamdaming awit ng pag-ibig na narinig sa buong buhay ko. Walang kapantay ang musika at mga titik na nailapat sa komposisyong ito ng bandang Asin.
/chizmodeoff
If you feel like wearing your nationalism on your sleeve, be my guest. You’ve just been tagged!
Bookmark at:
StumbleUpon | Digg | Del.icio.us | Dzone | Newsvine | Spurl | Simpy | Furl | Reddit | Yahoo! MyWeb


Egads! You consorted with Alex “Mr. Clean” Maximo? And why post in Tagalog all of a sudden?
Coz it’s about nationalism!
C’mon. hehe
Hi Benj, naka naman ang lalim ng tagalog, diko maarok. Anyway, the link on Maximo’s site doesn’t works. Your fingers got messed up and typed “.xom” instead of “.com”. Ahehehe
Thanks for the heads up. Fixed!
Hehehe.
[chizmode]Mahusay na pagtalakay. Mabuti’t naisipan mong magbigay pugay sa isa sa mga pinakamahusay na pangkat at ang kanilang mga himig.[/chizmode]
It’s been one of my life’s highs to have played with Pendong, kahit na sa simpleng jamming lang.
WHAT?!?! OK. I hate you.
napakalalim yata, dapat na akong magsanay upang maintindihan kung ano ang ibig ipahiwatig.
It’s so hard to write in Filipino.
[...] To Be Pinoyâ€. Now, I know I should be writing here in Tagalog/Filipino, just like what Benj did here, but nah. I don’t think I could write effectively in Tagalog/Filipino, the same way that I [...]
[...] bleak as far as my blogging goes. If you’ve noticed, all I’ve done all week is answer memes, express my frustrations about the band that I left/ left me, rave about an up-and-coming band as [...]
…sang-ayon ako sa mga sinabi mo…